Nagwagi ang Ikaapat na Baitang-St Gregory the Great sa taunang Timpalak
Bigkasan ng Kagawaran ng Mababang Paaralan nitong ika-5 ng Oktubre na
ginanap sa Munting Bulwagan.
Ang naturang pangkat ay ginabayan ng kanilang malikhaing guro na si G.
Richard Lunar. Nahirang naman sa ikalawang puwesto ang Baitang Anim-St.
Ezekiel Moreno sa malikhaing gabay ni Bb.Cherry Gatchalian. Sa ikatlong
puwesto, ginawaran ang Baitang Lima-St. Catherine the Great na nasa pamumuno
naman ni Bb. Mea Lumbis.
Ang timpalak ay nilahukan din ng mga sumusunod na baitang: IV-St. Lorenzo
Ruiz (Bb. Mildred Parentela), V-St. Claire(G.Romeo Alecha), VI-St. Augustine
of Hippo (Bb. Conchita Sarmiento), at IV-St. Nicholas of Tolentin (Bb.
Violeta Luistro).
Ang mga kalahok ay nagpakita ng kani-kanilang interpretasyon ng tulang
“Silakbo ng Bundok Pinatubo”. Naging batayan sa pagpili ng nanalo ang mga
sumusunod: interpretasyon (40%), tinig/bigkas (35%), hikayat (15%), at
kasuotan (10%).
Sadyang naging mapanghamon ang naturang patimpalak sa mga hurado na
kinabilangan nila G. Norberto Roquino (STI) bilang pinuno, G. Inigo San
Pablo, Jr. (UE), at G. Albert Danan (SSC-R).
Sina Juvan Amaro Ecom at Claire Angela Caballes ang nagsilbing mga
tagapagsalita ng palatuntunan. avast vpn key 2018